dzme1530.ph

Kaligtasan ng mga residenteng naiipit sa bakbakan sa Sulu, pinatitiyak ni Sen. Padilla

Nanawagan si Senator Robin Padilla sa mga awtoridad na protektahan ang kaligtasan ng mga residente sa Bangsamoro partikular sa Sulu na apektado sa engkwentro kamakailan sa pagitan ng mga tropa ng gobyerno at ng kampo ni dating Maimbung, Sulu Vice Mayor Pando Mudjasan.

Binigyang-diin ni Padilla na dapat matiyak ang kaligtasan ng nasa mahigit 6,000 residente ng lugar na kailangang umalis sa kanilang mga tahanan dahil sa engkwentro.

Bagamat lima sa panig ng dating bise alkalde ang nasawi habang apat ang sugatan, nakatakas naman si Mudjasan.

Sinabi pa ni Padilla na kailangang matugunan sa ngayon ang paghahatid ng agarang tulong sa mga naiipit sa kaguluhan.

Tiniyak naman ni Padilla ang mahigpit na pagbabantay sa sitwasyon sa Sulu kaugnay sa operasyon ng PNP para arestuhin at papanagutin sa batas ang dating Vice Mayor. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author