dzme1530.ph

Kaligtasan ng mga Pinoy mula sa matinding pagbaha sa Dubai, pinatitiyak

Nagpaabot ng pakikisimpatiya si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa nararanasang malawakang pagbaha sa Dubai.

Sinabi ni Pimentel na patuloy ang kanilang pagdarasal para sa Dubai kung saan napakaraming Overseas Filipino Workers.

Binigyang-diin ng senador na pinahahalagahan ng bansa ang ating alyansa at kooperasyon sa Dubai at sa buong United Arab Emirates.

Nananawagan din ang minority leader sa lahat na isama sa panalangin ang kaligtasan ng mga Pinoy na nananatili sa naturang bansa.

Sa ulat, naapektuhan ng pagbaha ang operasyon ng airport sa Dubai na ilang minutong natigil.

Binaha rin ang Dubai Mall at Mall of the Emirates, at pinasok din ng tubig ang Dubai Metro station.

About The Author