Nakikiisa ang Malacañang sa pagdiriwang ng World Press Freedom Day.
Sa social media post, nanawagan ang Presidential Communications Office (PCO) sa pagpapatibay ng mga hakbang upang gawing ligtas ang lipunan para sa media workers.
Kasabay nito’y tiniyak ng PCO na kaisa sila sa pagsusulong ng malayang pamamahayag.
Ngayong araw May 3 ay ipinagdiriwang ang World Press FREEDOM day na layong ipaalala sa bawat gobyerno na dapat nilang igalang at ipagtanggol ang freedom of expression alinsunod sa 1948 Universal Declaration of Human Rights.