dzme1530.ph

Kaligtasan ng mga mag-aaral, guro at health workers ngayong tag-init, pinatututukan

Iminungkahi ng isang kongresista na pansamantala munang ipagpaliban ang lahat ng earthquake at fire drills partikular sa mga paaralan.

Ayon kay Bagong Henerasyon (BH) Partylist Rep. Bernadette Herrera, titindi pa ang heat index ngayong Abril, Mayo hanggang Hunyo dala ng El Niño phenomenon.

Aminado ito na malaking tulong sa publiko ang mataas na awareness para makaiwas sa heat exhaustion, heat stroke at iba pang epekto dahil sa sobrang init ng panahon.

Subalit kailangan ding pangalagaan ang kalusugan ng mga barangay health workers at iba pang government agencies na naatasang manguna sa drill dahilan sa sila man ay dumaranas ng heat stroke at heat exhaustion.

Pinaalalahanan din ni Herrera ang school principals at administrators na huwag i-expose sa direktang sikat ng araw ang mga batang estudyante, at kung may subject man gaya ng PE, NSTP at iba pang aktibidad ay sa indoor ito gawin.

Nanawagan din ito sa CHED at DepEd na pag-aralan kung maaari ang June to February school calendar sa K to 12, at March to May naman ang OJT, internship at work immersion ng college students.

About The Author