dzme1530.ph

Kalidad ng hangin sa Metro Manila at Tagaytay, gumanda na kasunod ng naranasang smog at haze

Gumanda na ang kalidad ng hangin sa Metro Manila kasunod ng smog at haze na nagresulta sa suspensyon ng face-to-face classes sa ilang paaralan noong Lunes.

Sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bumalik na sa “good” ang air quality index na naitala sa karamihan ng monitoring stations sa National Capital Region.

Kabilang sa nakapagtala ng ‘good’ ang Makati, Pateros, at Paranaque, maging ang Tagaytay City sa Cavite, habang classified naman bilang ‘fair’ ang Caloocan.

Noong Lunes ay naitala ang very unhealthy na air quality sa Makati, Caloocan, Pateros, at Paranaque.

Ayon sa DENR, ang air pollution level ay pangunahing iniuugnay sa emissions mula sa mabigat na trapiko, lalo na tuwing rush hour, at epekto ng thermal inversion na nagta-trap ng air pollutants sa surface level.

Idinagdag ng ahensya na maari ring iugnay ang haze sa vog o plumes na inilalabas ng Taal Volcano sa Batangas.

About The Author