Nangangamba si Sen. Loren Legarda sa kakulangan ng kahandaan ng Pilipinas sa inaasahang malalakas at madalas na pag-ulan dulot ng La Niña.
Iginiit ni Legarda na dapat noon pa pinaghandaan ang matinding climate change.
Dapat sa ngayon anya ay doble o triple na ang preparasyon ng bansa lalo ngayong papasok na ang panahon ng tag-ulan.
Hiniling ng mambabatas na seryosohin dapat ng pamahalaan ang pagbabago ng panahon, gamitin ang siyensya bilang basehan ng paghahanda at hindi dapat umaksyon kung kailan nandyan na ang kalamidad upang maibsan ang pinsala.
Iginiit din ni Legarda na mahalagang alam ng lahat ang banta, panganib at ang ating mga vulnerabilities upang matantya ang mga paghahanda na dapat gawin.