Tiniyak ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na patuloy na palalakasin ang kakayanan ng Armed Forces of the Philippines, para sa external defense.
Sa pag-bisita sa Army 10th Infantry Division Camp sa Mawab, Davao de Oro, inihayag ng pangulo na batid ng mga sundalo na lumiliit na ang internal threat, kaya’t kailangan nang tutukan ang external threat na gagamitan ng bagong istratehiya.
Dapat umanong tiyakin na patuloy nilang magagampanan ang mandatong itaguyod ang kaligtasan ng mga Pilipino at seguridad ng teritoryo laban sa mga umuusbong na banta.
Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na sama-samang sisikapin ng civilian gov’t at military leadership mula sa AFP chief of staff hanggang sa commanders ng iba’t ibang units, na i-angat ang kakayanan ng security forces.
Siniguro rin ng Commander-in-Chief ang pagkakaloob sa AFP ng mga kaukulang resources at kagamitan para sa training o pagsasanay.