dzme1530.ph

Kakayahan at potensyal ng kabataan, dapat masuportahan sa pagtugon sa krisis sa edukasyon

Loading

Sa gitna ng pagdiriwang ng Filipino Youth Day ngayong araw na ito, kasabay ng kaarawan ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal, muling nanawagan si Sen. Sherwin Gatchalian na wakasan na ang umiiral na krisis sa edukasyon sa bansa upang matiyak ang magandang kinabukasan ng kabataang Pilipino.

Sinabi ni Gatchalian na ang araw na ito ay paalala ng matibay na paniniwala ni Rizal sa kakayahan at potensyal ng kabataang Pilipino.

Muling iginiit ng senador na mahalagang tugunan agad ang krisis sa edukasyon upang matiyak na makatatanggap ang kabataan ng dekalidad na edukasyon.

Idinagdag ng senador na para maabot ng kabataan ang kanilang buong potensyal, kailangang tiyaking nakatatanggap sila ng edukasyong dekalidad.

Naniniwala ang senador na sa pagbibigay ng tamang suporta at kalidad na edukasyon, maihahatid sa bawat bata ang mas maliwanag na kinabukasan, bilang katuparan ng pangarap ni Rizal para sa bayan.

About The Author