dzme1530.ph

Kakanta ng National Anthem sa #SONA2023, pinangalanan na!

Pinangalan na ni House Secretary General Reginald Velasco ang surprised performer na kakanta ng Philippine National Anthem sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Hulyo a-24.

Ito ay sa katauhan ni Lara Maigue, na isang kilalang Filipino singer-songwriter at nakatanggap ng 2017 Aliw Awards for Best Classical Performer at itinanghal ding na 2018 Aliw Awards for Best Female Crossover Performer.

Si Maigue ay sumikat sa kaniyang version ng classic mozart piece na ‘Queen of the night’ na umani ng 21 million views sa Instagram. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author