Inaasahan na ang pagbaba at pagreretiro bilang hepe ng Pambansang Pulisya ni Gen. Rommel Francisco Marbil, sa June 2.
Sa ambush interview matapos ang blessing ng bagong renovate na PNP-National Headquarters, sinabi ni Marbil na mas magiging magaan ang kakaharaping problema ni incoming Chief PNP MGen. Nicolas Torre III dahil isinaayos na nito ang mga malalaking problema sa hanay ng pulisya gaya ng polisiya, sistema, re-organization at internal cleansing.
Naniniwala si Marbil na nasa mabuting kamay ang PNP sa pangangalaga ni Torre dahil ito ay magaling, masipag, subok na, may magandang pamumuno at matatag na prinsipyo na kinakailangan ng pulisya.
Kayat hinikayat nito ang buong hanay ng Pulisya na ibigay ang kanilang buong suporta sa kay Torre na ika-tatlumput isang pinuno ng PNP.
Si Torre ay gumawa ng kasaysayan dahil ito ang kauna-unahang ‘Lakan’ mula sa Philippine National Police Academy (PNPA) “Tagapaglunsad” class of 1993, na mamumuno sa kanilang hanay.