dzme1530.ph

Kai Sotto, pursigidong makapag-secure ng roster spot sa NBA Summer League

Patuloy ang Filipino Cager na si Kai Sotto sa pag-abot sa kanyang pangarap na makapag-secure ng roster spot para sa nalalapit na NBA Summer League sa Hulyo.

Sa kanyang Instagram story, ibinahagi ng 7-foot-3 center ang litrato ng training facility ng Dallas Mavericks, kung saan siya umano nag-tryout.

Una nang inihayag ni Sotto na ang kanyang ultimate dream ay maging kauna-unahang Filipino homegrown athlete na makapaglalaro sa NBA.

Napaulat din na nag-workout ang dating Ateneo High School star sa facility ng Utah Jazz noong nakalipas na linggo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author