Tinanggihan ng mga mahistrado ng Supreme Court ang kahilingan ni Public Attorneys’ Office (PAO) Chief Persida Acosta na burahin ang Section 22 ng Cannon Law ng Code of Professional Responsibility and Accountability (CPRA).
Sa desisyon ng Supreme Court En Banc, ibinasura nito ang sulat ni Acosta noong April 20, 2023 na ipinadala kay Chief Justice Alexander Gesmundo.
Sabi ng mga mahistrado, walang batayan ang kahilingan ng PAO para burahin ang bahagi ng bagong Code of Professional Responsibility and Accountability.
Bukod sa pagkakabasura, pinasasagot din ng Korte Suprema si Acosta para magpaliwanag kung bakit hindi sya dapat i-cite on indirect contempt dahil sa kanyang kahilingan.
Sa kanyang FB post na lumabas sa iba’t-ibang pahayagan, mariing kinwestyon ni Acosta ang ginawang pagbabago ng Korte Suprema sa nasabing Code of Conduct.
Napansin kasi ng mga mahistrado na pambabastos ang sulat ng PAO Chief lalo pa at dumaan naman sa mga public consultation ang CPRA bago ito inaprubahan ng Supreme Court.
Sa sulat noon ni Acosta, Tinawag niyang conflict of interest ang bahagi ng Code of Conduct dahil pinapayagan daw nito na magbanggaan ang mga abogado na kabilang sa PAO. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News