dzme1530.ph

Kahandaan ng bansa sa health emergencies, mapalalakas sa pagtatayo ng Virology Institute of the Philippines

Loading

Tiwala si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na mapalalakas ng Virology Institute of the Philippines o VIP ang kakayahan ng bansa laban sa mga posibleng health emergencies.

Ito ay makaraang lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Republic Act 12990 para sa pagtatayo ng VIP, na iniakda nina Senators Alan at Pia Cayetano.

Layunin ng VIP na palawakin ang research at development sa mga virus at sakit na maaaring makaapekto sa tao, hayop, at halaman.

Giit ni Cayetano, dapat palakasin ang public health system gamit ang One Health approach na sinusuri ang epekto ng mga virus sa tao, hayop, at halaman habang nakabatay sa siyensya ang mga polisiya.

Sa ilalim ng batas, mandato ng VIP na magsagawa ng pananaliksik sa virology, magpaunlad ng bakuna, gumawa ng prototype para sa diagnostics at gamutan, at mag-train ng local scientists para palakasin ang expertise ng bansa.

Ilalagay ang institusyon sa ilalim ng Department of Science and Technology, na bubuo ng National Virology Research Agenda at makikipagtulungan sa Research Institute for Tropical Medicine at iba pang institusyon para sa joint research at resource-sharing.

About The Author