dzme1530.ph

Kahalagahan ng pamilya at relihiyon, dapat ikunsidera sa comprehensive sexuality education

Binigyang diin si Senador Christopher Bong Go ang kahalagahan ng papel ng religious institutions at ng pamilya sa paghubog sa values, health at education ng kabataan.

Ito ay kaugnay sa kontrobersyal na Comprehensive Sexuality Education. Sinabi ni Go na kailangang matiyak na ang bawat hakbang na isusulong ay katanggap-tanggap sa kultura ng mga Pilipino.

Iginiit ng senador na dapat isailalim pa sa masusing pag-aaral at konsultasyon ang pinapanukalang Anti-Teenage Pregnancy.

Ipinaliwanag no Go na kilala ang Pilipino na relihiyoso at pinapahalagahan ang kaugalian. Ang usapin anya kaugnay sa sexuality ay dapat na nagsisimula sa pamilya sa halip na ituro sa paaralan sa murang edad.

Muling binigyang-diin ni Go na hindi siya co-author sa panukala at hindi niya ito sinusuportahan. —ulat mula kay Dang Garcia

About The Author