Plano ng Department of Agriculture (DA) na gawing mas mura ang presyo ng karneng baboy para sa mas nakararaming Pilipino sa pamamagitan ng Kadiwa ng Pangulo (KNP) sites.
Nilinaw naman ni Agriculture Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na ang kanilang intensyon ay hindi para kumpetensyahin ang mga retailer.
Sinabi ng Kalihim na inaasahan niya na ang kanilang plano ay makatutulong para mabawasan ang inflationary pressures sa karneng baboy, simula sa unang linggo ng Agosto.
Idinagdag ni Tiu Laurel na hindi ito pang-minumum wage earners lang, kundi para ito sa lahat, basta pumunta lamang sa KNP sites.