dzme1530.ph

Kabataan, protektahan laban sa panganib ng “tuklaw” —Sen. Gatchalian

Loading

Nagbabala si Sen. Sherwin Gatchalian hinggil sa banta ng ilegal na produktong tinaguriang “tuklaw” o black cigarettes na nagdudulot ng kombulsyon at iba pang malubhang epekto sa kalusugan.

Kasunod ito ng pagkakaaresto sa limang estudyante sa Puerto Princesa na nahuling nagbebenta ng naturang sigarilyo.

Ayon kay Gatchalian, dapat i-alarma ang mga paaralan at komunidad upang mapataas ang kamalayan ng kabataan tungkol sa panganib na dulot ng mga produktong ito.

Giit niya, patunay ang insidenteng ito na patuloy na banta ang ilegal na kalakalan ng tabako.

Muli ring nanawagan ang senador para sa pagbuo ng isang inter-agency body na may malinaw na mandato na buwagin ang mga ganitong ilegal na operasyon at papanagutin nang lubos ang mga sangkot.

About The Author