dzme1530.ph

Kabataan Party-list, sinalungat ang pahayag na witch hunt umano ang impeachment efforts

Loading

Sinalungat ni Kabataan Party-list Representative Atty. Renee “Koko” Co ang naging pahayag ni Sen. Juan Miguel Zubiri na mistulang “witch hunt” ang impeachment efforts ng pamahalaan laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Atty. Co, walang nagaganap na witch hunt, ang nais lamang anilang matukoy ay kung sino ang tinatawag na “wicked witch of the South.”

Paliwanag ng Kabataan representative, ang tinutukoy niyang “wicked witch of the South” ay ang opisyal na gumamit ng confidential funds ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin masagot ang mga katanungan ng publiko kaugnay sa paggamit nito.

Matatandaang una nang nagpahayag si Vice President Sara Duterte ng pagsang-ayon sa pahayag ni Senator Zubiri na ang impeachment efforts laban sa kanya ay isa umanong “witch hunt.”

About The Author