dzme1530.ph

KABATAAN NGAYON, MAHIHINA, AYON KAY SEN. PADILLA

Loading

MAS mahihina ang kabataan sa panahon ngayon.

 

Ito ang binigyang-diin ni Senador Robin Padilla sa gitna ng pagtalakay sa mga panukalang magre-regulate sa paggamit ng kabataan ng social media.

 

Binanggit sa pagdinig na malaki ang epekto ng social media sa paghubog at mentalidad ng mga kabataan.

 

Kung ikukumpara anya ang kabataan ngayon sa kabataan dati ay sadyang mahina sila.

 

Ang mga batang 90s o 80s anya ay hindi iyakin, naglalaro pa sa kalsada, alam ang camping at pakikipagkaibigan.

 

Binigyang-diin ni Padilla na noon ay hindi uso ang salitang depression subalit ngayon anya kahit batang maliit ay magsasabi na siya ay depressed.

About The Author