dzme1530.ph

Kabacan, Cotabato, isinailalim sa state of calamity

Idineklara na ang state of calamity sa bayan ng Kabacan sa Cotabato.

Ito ay bunsod ng malawakang pagbaha dulot ng masamang panahon na sumira sa 10 barangay sa munisipyo.

Magbibigay daan ang naturang deklarasyon sa paggamit ng quick response fund ng apektadong lugar.

Matatandaang base sa anunsyo ng PAGASA, ang malakas na pag-ulan sa lalawigan ay dulot ng Intertropical Convergence Zone. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author