![]()
Inanunsyo ng “Atin Ito” Coalition ang kanilang ika-apat na civilian mission sa West Philippine Sea na itinakda sa Abril.
Ayon kina “Atin Ito” co-convenors Edicio Dela Torre at Akbayan president Rafaela David, saklaw ng kanilang misyon ngayon ang Pag-asa Island sa Kalayaan Island Group.
Sinabi ng koalisyon na ang paglalayag ay tugon sa tatlong pangunahing krisis na kinakaharap ng bansa.
Kinabibilangan ng pagtaas ng presyo ng petrolyo na nakaaapekto sa mga mangingisda; pag-eespiya ng China; at pagtataksil ng mga “Tsinador” sa West Philippine Sea.
Plano ng “Atin Ito” na magdala ng fuel at food assisstance sa maliliit na fishing communities na labis na apektado ng pagsipa ng presyo ng oil products.
