dzme1530.ph

K-POP TRACK NA “GOLDEN,” GUMAWA NG PANIBAGONG KASAYSAYAN SA OSCARS MATAPOS MAGWAGI NG BEST ORIGINAL SONG

Loading

Matapos manalo ng Best Animated Feature, nasungkit ng “KPop Demon Hunters” ang panibagong award para sa official soundtrack na “Golden” na itinanghal na Best Original Song sa Oscars.

 

Ang mega-hit song mula sa Korean animated feature ang kauna-unahang K-pop title na nagwagi ng prestihiyosong award.

 

Inawit ng trio na nasa likod ng fictional all-girl group na Demon Slayers na Huntr/X ang Oscar-winning song bago inanunsyo ang nagwagi sa naturang category.

 

Ang “Golden” ay isinulat nina Ejae at Yuhan, kasama sina Mark Sonnenblick, Joong Gyu-Kwak, Hee Dong-Nam, Jeong Hoon-Seo, at Teddy Park.

About The Author