dzme1530.ph

Kpop icon Sandara Park, binisita ni Alden Richards

Loading

Binisita ni Alden Richards si Sandara Park sa set ng upcoming Kpop survival show na “Be the Next: 9 Dreamers” kung saan isa ang Kpop icon sa magsisilbing hosts.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sandara ang ilang litrato kasama ang Asia’s Multimedia Star, kasabay ng pagpapasalamat kay Alden at “nice meeting you” na caption.

Balik-Pilipinas si Sandara para sa naturang survival show sa ilalim ng MLD Entertainment PH.

Sa pagdating sa bansa ng tinaguriang pambansang krung-krung, agad itong nag-crave sa kanyang paboritong pagkaing Pinoy na Tocino.

Noong Disyembre ay nagkaroon ng two-night concert sa Manila si Sandara, kasama ang kapwa 2ne1 members na sina CL, Park Bom, at Minzy, bilang bahagi ng kanilang welcome back reunion tour.

About The Author