dzme1530.ph

K-pop girl group 2ne1, darating sa Pilipinas sa Nobyembre para sa kanilang reunion tour

Inanunsyo ng YG Entertainment na darating sa Pilipinas ang K-pop girl group na 2NE1 sa Nobyembre para sa kanilang reunion concert tour.

Sa kanilang X Account, ibinahagi ng YG ang poster para sa initial stops ng “Welcome Back” Asia tour ng four-member group, kabilang ang show sa Manila sa Nov. 16.

Ang iba pang detalye, gaya ng exact venue at ticketing prices, ay hindi pa isinasapubliko.

Bukod sa Manila, magtatanghal din ang 2NE1 sa Jakarta, Indonesia sa Nov. 23.

Una nang inanunsyo ng YG noong Hulyo, na muling magsasama sa entablado sina CL, Sandara Park, Park Bom, at Minzy, sa isang tour para ipagdiwang ang kanilang 15th anniversary. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author