dzme1530.ph

K-12 Program isang ‘Epic fail’ matapos ang halos 10 taon

‘Epic fail’ ang K-12 sa halos isang dekadang pagpapatupad nito, kaya panahon nang ibasura o i-junk ito.

Iyan ang hamon ni Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel kay Senator Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.

Ayon kay Manuel, nagdulot lamang ng dagdag-gastos sa mga magulang, dagdag na academic load sa mga guro at estudyante at lumala ang learning crisis nang ipatupad ang K-12 Law.

Hangad ng Kabataan legislator na sa pag-upo ni Angara bilang DepEd Secretary ay makita nito ang pinsalang idinulot ng programa sa sektor ng edukasyon.

Mismong mga guro at estudyante na umano ang nagsasabi na failure ito, kaya anoman ang stand ng Malakayang sa K-12 ay napapanahon na itong ibasura.

Binira naman ni Manuel si Former DepEd Secretary at Vice President Sara Duterte na bumaliwala sa hinaing ng mga guro at estudyante, at sa halip ay ni-red-tag pa ang mga tumututol dito.

About The Author