![]()
Inilarawan ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang K-12 education program bilang magandang ideyang nawala sa focus at hindi nakamit ang tunay na layunin.
Ipinaliwanag ni Cayetano na nagsimula ang K-12 sa magandang pananaw ngunit kinulang sa pondo at maayos na pagpapatupad.
Ayon kay Cayetano, isa siya noon sa mga tumutol sa pagpapatupad ng K-12 dahil alam niyang hindi pa kayang pondohan ito nang maayos ng gobyerno.
Binanggit din nito na dahil sa kakulangan ng suporta ng pamahalaan, maraming paaralan ang napipilitang magpatakbo ng dalawang shift, na nakaaapekto sa kalidad ng pag-aaral ng mga estudyante.
Idinagdag pa nito na kahit maganda ang layunin ng mga reporma sa edukasyon, mabibigo pa rin ito kapag naliligaw sa tunay na direksyon.
Hinimok ni Cayetano ang mga ahensya ng gobyerno na muling ituon ang pansin sa resulta, tiyaking sapat ang pondo, at ibalik ang mga reporma sa orihinal na layunin ng mga ito.
