Nais ni Senator Risa Hontiveros na ideklarang ‘National West Philippine Sea Victory Day’ ang July 12.
Sinabi ni Hontiveros na layon nito ang taunang pagdiriwang sa tagumpay ng bansa sa Permanent Court of Arbitration (PCA) sa The Hague, Netherlands noong 2016 kung saan pinagtitibay ang soberenya ng bansa sa West Philippine Sea (WPS) at ibinabasura ang claim na nine-dash line ng China.
Ipinaliwanag ng senador na ang pag-alala sa tagumpay ng bansa noong 2016 ay makatutulong upang humina ang pang-aangkin ng China sa pinag-aagawang teritoryo.
Binigyang-diin ng mambabatas na paulit-ulit na ang kasinungalingan at propaganda ng China kaya hindi dapat tumitigil ang Pilipinas sa pagsisiwalat ng katotohanan at umpisahan ito sa pagpapatibay ng kalaaman ng mga Filipino sa karapatan natin sa WPS.