dzme1530.ph

JSCC, ilulunsad ang Tri-City Specialty Justice Zone sa Eastern Visayas kontra online sexual exploitation ng mga bata

Loading

Ilulunsad ng Justice Sector Coordinating Council (JSCC) ang Tri-City Specialty Justice Zone sa Eastern Visayas bilang tugon sa lumalalang kaso ng online sexual abuse at exploitation ng mga bata.

Ito na ang ikapitong Specialty Justice Zone ng JSCC, kasunod ng mga nauna nang inilunsad sa Cagayan de Oro, Iligan, at Ozamiz noong 2024.

Layunin ng programa na palakasin ang koordinasyon sa pagitan ng mga lokal na ahensya ng hustisya upang mas mapabilis ang pagresolba ng mga kaso.

Bago ang opisyal na paglulunsad, nagsagawa muna ng masusing assessment at serye ng konsultasyon ang JSCC Technical Working Group upang matiyak ang kahandaan ng tatlong lungsod sa pagpapatupad ng mahigit 40 inter-agency reforms sa buong justice process.

Ang JSCC ay binubuo ng Supreme Court, Department of Justice, at Department of the Interior and Local Government. Itinatag ito sa pamamagitan ng Joint Declaration noong 2010 upang paigtingin ang ugnayan at koordinasyon ng mga sangay ng hustisya.

Sa bagong Tri-City Specialty Justice Zone, layon ng JSCC na mapabilis at mapatatag ang sistema ng hustisya, lalo na sa paghawak ng mga kasong may kinalaman sa mga batang biktima ng online exploitation.

About The Author