![]()
Imposible ang drug accusations laban kay Sandara Park.
Ito, ayon kay Joseph Bitangcol, ay dahil palaging naka-focus sa career nito ang ex-girlfriend at nagpo-provide sa kanyang pamilya.
Una nang nakaladkad sa kontrobersiya ang K-pop idol matapos isiwalat ng kapwa 2NE1 bandmate na si Park Bom na ginawa siyang scapegoat para pagtakpan ang umano’y drug use ni Dara.
Sinabi ni Joseph na matagal niyang nakasama ang singer-actress kaya masasabi niyang kilala na niya ang pagkatao nito at batid niya ang mga sakripisyo nito para sa pamilya.
Binigyang-diin ng aktor na tumanda si Sandara na naka-focus lamang sa pamilya at career kaya imposibleng mag-take ito ng drugs.
