dzme1530.ph

Joint Venture Agreement sa pagitan ng CENECO at Primelectric Holding Inc, tuloy na sa Hulyo

Tuloy na ang Joint Venture Agreement (JVA) sa pagitan ng Central Negros Electric Cooperative (CENECO) at Primelectric Holding Inc., matapos ibasura ng Bacolod RTC ang apila para sa Temporary Restraining Order (TRO).

Sa tatlong pahinang desisyon ni Bacolod RTC Branch 6 Presiding Judge Maria Lina Gonzaga, nilabag ng petitioners ang proseso sa paghahain ng petisyon, matapos hindi mabigyan ng kopya ng reklamo ang respondents kabilang ang CENECO Board of Officers, Primelectric Holdings Inc. at Negros Electric Power Corporation na lahat ay kinakatawan ni Roel Castro.

Ayon sa batas, lahat ng petisyon para sa Writ of Preliminary Injunction o TRO, ay dapat ipinapaalam sa kabilang panig, subalit sa kasong ito hindi nabigyan ng notice ang adverse party.

Dahil sa basic non-compliance sa batas, ang hiling na TRO ng Negros Consumers’ Watch at Convenors of Anti CENECO JVA Coalition ay ibinasura ng Korte noong Hunyo a-22.

Una diyan umani ng suporta sa mahigit 1,000 barangay leaders, business at multi sectoral groups, at lokal na pamahalaan ang P4-B JVA investment na ang layunin ay isalba sa mas malalang problema ang supply ng kuryente sa rehiyon sa pamamagitan ng pag-modernize, pagbili ng assets at karagdagan budget para sa capital expenditures.

Pangunahing problema na nais solusyunan ay ang mataas na bayarin sa kuryente dahil sa systems loss na umabot ng P20-M kada buwan, at madalas na brownout.

Matapos ang court ruling, tuloy na ang referendum para sa JVA sa July 1 at 2. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author