Naniniwala si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Ronald ‘Bato’ dela Rosa na hindi hahantong sa gyera ang ikinasang joint patrol sa pagitan ng Pilipinas, Estados Unidos, Australia at Japan.
Ito ay kahit sinabayan ng military drills ng China ang joint patrol sa West Philippine Sea.
Sinabi ni dela Rosa na hindi naman ang bansa at mga kaalyado nito ang nagsisimula ng gulo kundi ang China.
Binigyang-diin pa ng senador na wala namang hindi naman kasama sa operasyon ang pagbobomba ng tubig, pagtutok ng laser, at dangerous manuevers, laban sa barko ng China.
Ito aniya ay purong pagpapatrolya lamang at karapatan naman ng bansa na magsagawa ng aktibidad sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.
Una rito, iginiit ni Senador Francis Tolentino na mas nararapat na gawing regular ang joint patrol sa naturang teritoryo upang ipakita ang pinakalakas na seguridad sa lugar.