Dapat magkaroon ng regular na joint patrol ang Pilipinas kasama ang Australia, Japan, at Estados Unidos sa West Philippine Sea upang magsilbing senyales ng pinalakas na alyansa ng like-minded countries upang pigilan ang pambubully ng China sa Pilipinas.
Binigyang-diin ni Tolentino na ang pagsasagawa ng joint patrol sa West Philippine Sea ay magpapatunay ng commitment sa mutual defense and security cooperation sa mga magkakalayadong bansa.
Naniniwala rin ang senador na sa pamamagitan nito ay matitiyak pa ang regional stability dahil makatutullong ang joint patrol sa regional security at cooperation.
Ipinaalala pa ni Tolentino na sa ilalim din ng United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS), hinihikayat ang mga bansa na magtulungan para sa pangangalaga sa karagatan bukod pa sa pagmamantina ng kapayapaan, seguridad at kaayusan.
Kasabay nito, dapat anyang ipagpatuloy ng bansa ang pagpapalakas ng ating defense alliances at bumuo ng non-defense treaty alliances sa maritime countries tulad ng Norway, the Netherlands, at Chile.