![]()
Nagbabala si retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na posibleng isang trap ang joint oil and gas explorations sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Carpio na alinsunod sa definition sa website ng China, ang joint development ay nangangahulugang pag-aari ng China ang gas, oil at lahat ng natural resources.
Ipinaliwanag ni Carpio na naninindigan ang China na mayroon silang sovereign rights sa lugar.
Kaya’t ang tanong ng dating mahistrado ay kung bakit kailangan itong tanggapin ng Pilipinas.
Tungo siya sa Pag-asa Island para dumalo sa groundbreaking ceremony ng itatayong simbahan sa lugar.
Kasabay nito, ipinakita ng Philippine Coast Guard kay Carpio ang mga structures na itinayo ng China sa Panganiban Reef na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Nakita rin ni Carpio ang ilang Chinese maritime militia vessels sa Sabina Shoal.
