dzme1530.ph

Joint Navy drill sa WPS, malaking tulong para ibsan ang tensyon sa lugar

Tiwala ang dalawang senador na makatutulong na maibsan ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS) ang plano ng US, Japan at Australia na magsagawa ng joint Navy drill.

Sinabi ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na mas makabubuting gawing madalas ang joint Navy drill sa West Philippine Sea.

Maging si Senador Chiz Escudero ay suportado ang pagsasagawa ng joint Navy drills dahil pagpapakita anya ito ng kanilang pakikiisa sa Pilipinas sa gitna ng patuloy na pambubully at paghaharass ng China

Ayon kay Escudero, indikasyon ito na hindi tayo nag-iisa sa pagsusulong ng soberanya at ng claim sa pinag-aagawang teritoryo.

Ang drill anya ay hindi nangangahulugan ng pag-uudyok ng away sa halip ito ay para maipakita na hindi tayo na natatakot at natitinag  sa  pambubully ng China sa kabila ng pagiging mas malaki, mas mayaman at mas makapangyarihan nitong bansa.

Ang isasagawang joint Navy dril ng US, Japan at Australia sa WPS ay naglalayong ipakita ang kanilang commitment sa pagtataguyod ng Rule of Law sa rehiyon sa gitna ng aggression ng China sa WPS. –sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author