dzme1530.ph

Joint Naval Patrol sa WPS, suportado ng lider ng Senado

Suportado ni Senate President Juan Miguel Migz Zubiri ang Joint Naval Patrol sa West Philippine Sea na sinamahan ng mga kaalyadong bansa ng Pilipinas na Australia, Amerika at Japan.

Sinabi ni Zubiri na ito ay pagpapatibay sa naisin ng mga bansang panatilihin ang Freedom of Navigation sa naturang teritoryo.

Binigyang-pugay din ng senador ang Philippine Navy at ang Armed Forces of the Philippines sa kabuuan dahil sa matagumpay na Joint Naval Exercise.

Muling iginiit ni Zubiri na hindi siya pabor sa pakikipag-giyera sa anumang bansa subalit dismayadong nagpapatuloy ang pagpapahirap sa ating mga mangingisda at tropa ng pamahalaan.

Narito ang pahayag si Senate President Juan Miguel Zubiri.

Kahapon ay nanumpa na si Zubiri bilang miyembro ng Army Reserve Command at ginawaran ng ranggong Lt. Col.

About The Author