dzme1530.ph

Joint military drills ng Pilipinas at Australia, mahalagang paghahanda sa anumang pwedeng mangyari sa rehiyon

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ang isinagawang kauna-unahang Amphibious Operations Exercise ng Pilipinas at Australia sa Zambales, ay isang napakahalagang preparasyon sa anumang pwedeng mangyari sa rehiyon.

Sa chance interview sa Naval Station sa San Antonio, Zambales, sinabi ni Marcos na ang Joint Military Drills ay bahagi ng pagpapalakas ng kapabilidad at pagpapalalim ng strategic cooperation sa militar ng mga katabing bansa.

Ito ay sa harap umano ng mga pangyayaring nagpakita ng volatility o pabago-bagong sitwasyon sa rehiyon.

Pinuri naman ng commander-in-chief ang matagumpay na pagsasanib-pwersa ng mga sundalong Pilipino at Australian sa mga ipinakitang military drills.

Nagpasalamat din ito sa Australian Defense Force para sa kanilang partisipasyon at kooperasyon.

Ayon sa Pangulo, ang Amphibious Exercise ay nilahukan ng nasa 2,000 personnel mula Pilipinas, Australia, at mangilan-ngilan mula sa America. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author