dzme1530.ph

Joint maritime activity ng Pilipinas at tatlo pang mga bansa, isang “show of unity” —DND

Tinawag ng Department of National Defense (DND) bilang “show of unity” ang joint maritime activity sa pagitan ng Pilipinas, Australia, Japan, at United States, sa halip na tawagin itong pagpapakita ng puwersa laban sa China.

Sinabi ni DND Spokesperson Arsenio Andolong na ang maritime cooperative activity (MCA) ng military units ng apat na bansa ay ginagawa rin naman ng ibang mga bansa sa buong mundo.

Binigyang diin ni Andolong na ang mahalaga ay ginagawa ang aktibidad sa ngalan ng national interest ng Pilipinas, at upang palakasin ang kapabilidad ng bansa at interoperability sa ibang partner countries.

Una nang inihayag ng Defense department na ang MCA na sinimulan, kahapon, ay hindi dapat maging dahilan para umigting ang tensyon laban sa China, dahil ginagawa naman ito sa exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, at alinsunod sa international law.

About The Author