dzme1530.ph

Joint Committee Investigation kaugnay sa iregularidad sa NFA, imumungkahi

Imumungkahi ni House Majority Leader at ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo ang pagsasagawa ng joint investigation ng Committee on Government and Public Accountability at Committee on Agriculture and Food hinggil sa anomalya sa National Food Authority (NFA).

Giit ni Tulfo, ito ay para sa mas malalim na pag-iimbestiga sa ahensya bunsod ng patuloy na pagsisinungaling ni suspended NFA Chief Roderico Bioco sa naganap na pagdinig ng Comittee on Agriculture and Food.

Nilinaw naman ni Tulfo na hindi exempted ang NFA sa bidding ng pagbebenta ng bigas, taliwas sa pahayag ng Commission on Audit.

Ayon pa kay Tulfo, ikinagalit din niya ang hindi pagbubunyag ng NFA sa mga itinatagong rice stocks noong panahon na naghahanap ng bigas ang pamahalaan.

About The Author