dzme1530.ph

Joey De Leon, binasag na ang katahimikan matapos kumalas sa TAPE

Nagsalita na si Joey De Leon kasunod ng kontrobersyal na pag-alis nila sa TAPE Incorporated makalipas ang 44 na taon.

Inamin ni Joey na nagulat siya sa kinahinatnan ng mga pangyayari at hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya.

Naniniwala rin naman ang isa sa main host ng Eat Bulaga! sa sinabi ng isa nilang kaibigan na “Rejection is God’s redirection.”

Kuwento pa ni Joey, naiyak siya noong pangalawang araw nang kumustahin siya ng isa sa kanilang advertisers, at tiniyak sa kanya na hindi importante ang advance payment sa iniwan nilang network.

Marami pa aniyang sumunod na nag-reachout, kaya labis ang kanyang pasasalamat sa mga naniniwala at nagtitiwala sa kanila.

Tiniyak din ni Joey na sa lilipatan nilang bagong tahanan sa TV5 ay may mga bago silang segment na i-i-introduce at mananatili pa rin ang mga sikat nilang portions noong nasa GMA-7 pa napapanood ang kanilang noontime show. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author