Inihahanda ng Department of Labor and Employments (DOLE) ang mga hakbang para sa mga empleyado ng POGO na nakatakdang mawalan ng trabaho.
Sinabi ni DOLE-NCR Assistant Regional Director Jude Thomas Trayvilla, na kabilang sa pinag-aaralang interventions ng ahensya, ang pagsama sa mga apektadong empleyado sa TUPAD program, livelihood projects, at isang specialized job fair.
Itinakda ang job fair sa October 10, 2024, sa Ayala Malls Manila Bay sa Pasay City, kung saan tinatayang 70 employers ang inaasahang makikiisa sa event.
Sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ipinagbawal nito ang lahat ng POGO sa bansa, bunsod ng mga pang-aabuso at paglapastangan sa batas. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera