Ipagpapatuloy ng Japan International Cooperation Agency ang kolaborasyon sa gobyerno ng Pilipinas, para sa mga proyekto kaugnay ng disaster risk reduction.
Sa courtesy call sa Malacañang, ipinaabot ni JICA President Dr. Tanaka Akihito ang pakikidalamhati sa mga biktima ng mga dumaang bagyo.
Sinabi ni Akihito na tulad ng Pilipinas ay madalas ding tamaan ng mga bagyo at pag-ulan ang Japan.
Kaugnay dito, handa umano ang JICA na makibahagi sa mga gagawin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay ng mga kalamidad at sakuna.
Partikular namang tinukoy ni Marcos ang problema sa flood control at water management.
Sinabi rin ng Pangulo na ang JICA ay isang napakahalagang partner ng bansa, at mula sa imprastraktura ay katuwang na rin ito sa iba pang larangan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News