dzme1530.ph

Jhong Hilario, nagtapos na Magna Cum Laude

“Ito yung bayad-utang ko sa mga magulang ko…Kahit late na.”

Ito ang proud na mensahe ni Jhong Hilario sa isang panayam sa gitna ng kanyang college graduation.

Nagtapos na Magna Cum Laude si Jhong sa kursong Political Science sa Arellano University.

Ayon sa aktor, isa itong dream come true para sa kanya at talagang pinagsikapan at pinagpaguran niya ito para lamang mapagsabay at mabalanse niya ang showbiz career, pulitika at pag-aaral.

Sa thank you speech ni Jhong sa Its Showtime, sinabi nito na malaki ang naging ambag ng naturang show sa kanyang tagumpay dahil hindi ito naging maramot na magbigay ng konsiderasyon bilang suporta sa kanyang pangarap na makapagtapos.

Advise ni Jhong sa mga nais din maka-graduate na ituloy lamang ang kanilang pagsusumikap. Bagamat may mga pagkakataon aniya na sinusubok ng buhay, maayos na time management lang ang kailangan at focus, dahil napakaiksi lang aniya ng buhay para walang gawin. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author