dzme1530.ph

Jessica Villarubin, dumipensa sa “sapawan” issue  

Nagsalita na ang singer na si Jessica Villarubin tungkol sa viral video ng kanyang pagkanta ng “Lead Me Lord” sa special tribute para kay Mike Enriquez noong Biyernes, September 1, 2023 sa Christ The King Parish, Green Meadows, Quezon City.  

Ayon kay Jessica, nagulat siya nang malaman na trending na pala ang pagkanta ng Queendom, all-diva group, sa 1985 hit song ni Basil Valdez.  

Kabilang sa naturang All-Diva group sina Mariane Osabel, Thea Astley, Hannah Precillas, Julie Anne San Jose at Rita Daniela.  

Dumipensa rin ang singer sa akusasyon na sinadya niya na bumirit sa pagkanta para masapawan ang kanyang mga kasama at iginiit na hindi iyon ang pakay niya kundi ang maibigay ang buong puso sa performance bilang pagbibigay pugay sa yumaong brodkaster. –sa panulat ni Jam Tarrayo 

About The Author