Itinalaga si Dep’t of Justice – Inter-Agency Council Against Trafficking Exec. Dir. Jesse Hermogenes Andres bilang officer-in-charge chairperson at chief executive officer ng Energy Regulatory Commission.
Ito ay kasunod ng anim na buwang suspensyon ng Ombudsman kay ERC Chairperson Monalisa Dimalanta, sa harap ng sinasabing neglect of duty kaugnay ng reklamo hinggil sa umano’y kabiguan ng ERC sa pag-recalculate sa rates ng Meralco.
Sa memorandum mula kay Executive Sec. Lucas Bersamin, pinangalanan si Andres bilang OIC at CEO ng ERC upang matiyak ang pagpapatuloy at epektibong serbisyo publiko ng ahensya.
Kaugnay dito, binigyan si Andres ng awtoridad na tumanggap ng representation at transportation allowances, at extraordinary at miscellaneous expenses. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News