dzme1530.ph

Jericho Rosales, wala raw balak maghanap ng new love!

Iginiit ni Jericho Rosales na masyado pang maaga para maghanap siya ng bagong pag-ibig, sa gitna ng tsismis na nililigawan umano niya si Kathryn Bernardo.

Binigyang diin ng aktor na hindi bahagi ng kanyang goals ngayong 2024 ang love.

Blangko rin si Jericho sa mga kumakalat na tsismis dahil iniiwasan niya na magbasa sa social media para hindi ma-pollute ang kanyang isip.

Una nang ibinunyag ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz na nililigawan nina Alden Richards at Jericho si Kathryn.

About The Author