Naghahanda na si Jennylyn Mercado sa kanyang pagbabalik showbiz kasunod ng meeting, kasama ang kanyang talent management team para sa isang upcoming movie.
Sa kanyang Instagram stories, ipinasilip ng aktres ang ginanap na meeting at ibinahagi rin nito ang mga litrato na ipinost ng talent managers na sina Katrina Aguila at Jan Enriquez.
Sinabi ni Aguila na ang meeting ay para sa bagong endorsement at pelikula ng tinaguriang ultimate star.
Matatandaang nag-break muna sa showbiz si Jenn makaraang magbuntis noong 2021 sa kanilang anak na babae ni Dennis Trillo na si Dylan Jade na nagdiwang ng una nitong kaarawan noong April 25. —sa panular ni Lea Soriano