dzme1530.ph

Jennie ng BLACKPINK, hindi kasali sa cast ng Marvel series

Walang inalok na role kay Jennie ng K-pop girl group na BLACKPINK para sa bagong series ng Marvel, ayon sa label na YG Entertainment.

Ginawa ng YG ang pahayag matapos lumabas sa reports na gaganap umano si Jennie bilang Luna Snow o Seol Hee, isang K-pop singer at superhero na may kapangyarihang manipulahin ang yelo, para sa “Team Agents of Atlas” na isang movie adaptation ng comic series.

Nag-umpisa sa acting si Jennie sa pamamagitan ng HBO drama na “The Idol” na tumanggap ng mixed reviews nang simulan itong ipalabas ngayong buwan.

Dumalo rin ang K-pop star sa red carpet sa Cannes Film Festival sa France noong nakaraan buwan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author