![]()
Nangako ang transport groups na kumakatawan sa passenger jeepneys at operators na hindi nila itataas ang pamasahe kahit sumipa na ang presyo ng krudo.
Ang deklarasyon ay mula sa Samahang Manibela, Mananakay at Nagkakaisang Terminal ng Transportasyon (Manibela) at Liga ng Transportasyon at Operators o LTOP.
Sa hearing ng House Committee on Transportation na pinamumunuan ni Quezon City Rep. Franz Pumaren, inihayag ni Mar Valbuena, founder at president ng Manibela, na sa pagtaas ng presyo ng krudo, nabawasan sila ng P400 na kita kada araw.
Gayunman, last resort na umano ang fare increase, basta’t tiyakin lang ng pamahalaan na makatatanggap sila ng financial assistance o fuel subsidy mula sa gobyerno.
Sinusugan naman ito ni LTOP President Orlando Marquez Sr.
Bukod sa fuel subsidy, inaasahan din ng transport groups na sususpindihin ni President Bongbong Marcos Jr. ang excise tax on fuel.
Ayon pa kay Valbuena, apat na raan (400) piso na lamang ang kanilang naiuuwi kada araw mula sa dating 800 pesos na kita sa pamamasada.
