dzme1530.ph

Jeepney drivers at operators, muling nangalampag sa SC para sa hirit na TRO laban sa PUV modernization

Nangalampag muli ang mga tsuper at operator ng jeepney sa Korte Suprema, dalawang araw bago simulan ng pamahalaan ang panghuhuli ng mga colorum na Public Utility Vehicles (PUVs).

Sa isinagawang protest rally, nanawagan si MANIBELA Chairperson Mar Valbuena sa Kataas-taasang Hukuman na maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa PUV modernization program at magtakda ng oral arguments upang marinig ang kani-kanilang panig.

Apela ni Valbuena sa Korte Suprema, huwag magbingi-bingihan at magbulag-bulagan, at pagtuunan ng pansin ang higit na nakararami.

Sa Huwebes, May 16, ay sisimulan na ng gobyerno  ang panghuhuli sa mga PUV na hindi nagpa-consolidate, dahil maituturing na silang colorum.

About The Author