dzme1530.ph

JDV, inilarawan bilang lider na naging haligi ng pagkakaisa sa kabila ng mga hamon at pagkakaiba

Hinikayat ni House Speaker Martin Romualdez ang mga kasamahang kongresista na magpugay sa tinawag nitong ‘living legacy of public service’ sa katauhan ni former Speaker Jose de Venecia Jr. o JDV.

Bilang pagpupugay sa six-time Speaker of the House, ipinangalan kay Spkr. de Venecia ang gusali ng People’s Center at naglagay ng JDV Museum.

Ayon kay Romualdez, maswerte sila dahil nakasama nila sa public service si JDV at hindi lang mentor kundi “towering figure of inspiration.”

Ang kanyang wisdom, tempered na hinubog ng dekadang karanasan, humility na bunga ng genuine service, at pagiging optimistiko.

Saad pa ni Romualdez, maraming statesmen sa bansa, subalit iilan lamang ang pangalan na may respeto kagaya ni Speaker de Venecia.

Aniya, understatement ang taguring visionary, dahil hindi lang siya leader ng kanyang panahon kundi architect of the future na humubog sa bansa at naging inspirasyon ng global community.

Hanggang ngayon, ang konsepto nitong ‘Rainbow Coalition’ ay nananatiling masterclass sa inclusive governance.

Si Manong Joe o JDV ay sinamahan ng maybahay nitong si former Rep. Georgina “Manay Gina” at anak na si Pangasinan 4th Dist. Rep. Christopher De Venecia. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author