dzme1530.ph

“Jay Kamote” at “Miggy Mango,” kabilang sa mga tumanggap ng confidential fund mula sa OVP

Loading

Ibinunyag ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ang pito pang pangalan ng umano’y tumanggap ng confidential funds mula sa Office of the Vice President, kabilang ang isang “Jay Kamote” at isang “Miggy Mango.”

Sa statement, sinabi ng kinatawan ng La Union na ang iba pang mga bagong pangalan ay kinabibilangan ng Dodong Alcala, Dodong Bina, Dodong Bunal, Dodong Darong, at Dodong S. Barok.

Inihayag ni Ortega na maaaring gamitin ang mga ito upang palakasin ang impeachment case laban kay Vice Presidente Sara Duterte.

Una nang nagsumite ang Department of education na dating pinamunuan ni Duterte at ang OVP, ng mga dokumento na may mga maling petsa, pirma na walang pangalan ng signatories, at hindi mabasang pangalan ng signatories, para mabigyang katwiran ang disbursement ng kanilang confidential funds noong 2022 at 2023.

Kabilang sa signatories ay isang “Mary Grace Piattos” na walang record sa Philippine Statistics Authority.

About The Author